Ang Haligi ng Tahanan
Meron ka bang maituturing na haligi ng tahanan?
Ama ng tahanang gagabay at susuporta sayo sa bawat hakbang na nais mong tahakin
pagdating ng panahon. Magiging malakas kapag nahihirapan ka, magsasabing
"okay lang yan" kapag may suliranin kang nararanasan, papagalitan ka
kapag nalaman niyang may masama kang ginawa o may mali kang desisyon na
pinasok, at higit sa lahat sasabihing proud siya sayo sapagkat mayroon kang
tagumpay na nakamit. Bawat ama ay nagnanais ng magandang kinabukasan para sa
kanyang mga anak.
Ang isang tahanan ay hindi mabubuo kung walang
haligi, at ang ama ang nagsisilbing haligi nito. kung inyong makikita sa
larawan siya ang tinatawag kong "Papa". Candido Abela Florendo ang
kanyang pangalan. "Jojo" o "Didoy" ang malimit na tawag sa
kanya. Isa siyang kahanganga at maituturing na inspirasyon. Nagtatrabaho siya
sa ibang bansa para lang masuportahan ang aming pag-aaral at mapunan ang
pangangailangan ng aming pamilya. ginagawa niya ang lahat para matupad namin
ang aming mgapangarap. Sa bawat mahahalagang araw na dumaraan ay nananatiling
wala siya. Nakakalungkot na sa kaarawan, pagtatapos ng kanyang ng kanyang mga
anak, Pasko, Bagong taon ay wala siya sa piling ng kanyang namin Alam kong
minsan nahihirapan na siya pero tinitiis niya ang lahat para sa kanyang
pinakamamahal na pamilya. Kaya wala kaming litrato kasama siya. Gusto kong
magkaroon ng family picture peo kahit ni isa wala man lang. kaya sa bawat
pag-alis niya naiisip ko na kailan kaya ulit siya babalik. yung feeling na
kapag kausap mo siya sa kaunting sandali man lang maiisip ko bigla na kailan ko
kaya siya masusuklian.. Tinitiis niya lahat ng yun. pero sabi nila walang
magulang na naghahangad ng kapalit mula sa anak ang nais lang nila ay
makapagtapos ito, makakakuha ng magandang trabaho balang araw at makapagbuo ng
sariling pamilya kaya sinusuportahan nila ang ating mga pangangailan. alam
naman nating walang amang perpekto tao rin sila nagkakamali. at kung mapapansin
natin na halos lahat ng lalaki ay hindi basta basta naglalabas ng sama ng loob,
at kabilang siya dito. Siguro madami na din siyang hinanakit sa akin pero
pinapakita niyang ayos lang siya. Bilang isang anak ako aymarami ng pagkukulang
sa kanya at sana kapag ayos na ang lahat,nais kong mapunan mga pagkukulang ko
sa kanya.
Kaya tayong mga kabataan mahalin natin ng husto
ang ating ama, sabi nga “hindi tayo mabubuhay sa mundo kung wala sila”.
Pahalagahan natin ang bawat oras na kasama natin sila. Wag nating hayaang
masira ang relasyon natin sa kanila. Bagkus tuparin natin ang mga binuong
pangarap nila para sa atin, hindi naman masamang magkamali pero sana tulungan
natin ang ating mga sarili na bumangon para sa ikakabuti ng lahat. At siguro
darating din ang pagkakataon na maiintindihan din tayo ng ating pinakamamahal
na ama. Siguro magkakaroon tayo ng hinanakit sa kanya pero wag tayong
magpadaig, sapagkat lalamunin lang tayo nito. Kaya ako ay napapasalamat sa Panginoon
sapagkat ang Papa ang binigay niya sa akin kahit na hindi gaano kayaman pero
masaya naman.